Florentina Point of View* Nagising ako at nasa Hospital ako ngayon at napahawak ako sa ulo ko. Dahil ang huling alaala ko ay nahulog ako sa hagdanan dahil nakita ko ma nakasout ng maid outfit si Hannie. Hindi ako titigilan ni Hannie. Hindi niya ako tatantanan. "Damn you! Inagaw mo na nga ang lahat sa akin tapos ito pa ang gagawin mo! Mananakot ka pa!" Naiiyak na ani ko at napapikit. Di ko pa kayang umupo dahil masakit pa ang ulo ko dahil sa pagkakahulog ko sa hagdanan at hindi lang ulo ang masakit sa akin kundi pati ang katawan ko. At napakunot ang noo ko dahil parang di ko magalaw ang kamay at binti ko dahan dahan akong tumingin at nanlaki ang mga mata ko dahil nakansemento na yun. Ibig sabihin nabali ang kamay at paa ko! "N-No... hindi pwede ito! Hindi! Ahhhh!" sigaw ko at napailin

