Haelyn's POV* Sa underground pa din kami pumunta at hinawakan ko ang braso ni Phoenix habang naglalakad kami papunta sa loob. Nakikita namin na nakayuko ang lahat habang naglalakad kami. Mukhang kailangan ko ng masanay sa ganito dahil kahit sila Dad ang kasama ko ay ganun pa din. Kasama ko ngayon ang royal Family at di pa din ako makapaniwala na ang Fiancee ko ay isang Prince. Prince pa din ang tawag sa Duke dahil ang Dad ni Phoenix ay kapatid nito ang Emperor kaya ganun. Once magiging Asawa ko si Phoenix ay magiging Duchess ako. At sigurado ako na marami ang gagawin ng isang Duchess. Napabuntong hininga naman ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang mapahinto kami sa isang magandang pintuan at binuksan iyon ng gwardya at pumasok na kami at nakita ko sa loob ang mga pamilyar na mukha

