Ranzzel Point Of View* Naglalakad ako ngayon papunta sa palengke para bumili ng gulay nang biglang may lumapit sa akin na mga lalaki. Kinabahan ako baka sila yung mga tauhan ni Florentina. Dahan dahan akong umatras at tatakbo sana nang bumangga ako sa lalaki sa likod ko at sisigaw sana ako ng tulong nang biglang yumuko ang isang lalaki na nakabangga ko kanina. "Madame Ranzzel, gusto ka po makita at makausap ng Boss namin." "S-sino ang Boss ninyo." "Hindi po siya pwede sabihin kung sino po siya dito sa Public." "Si Florentina ba ang Boss ninyo?" "Hindi po." "S-Sino? Hindi ako sasama basta hindi niyo sasabihin sa akin kung sino." Mukhang naramdaman naman nila na di nila ako sasaktan. Lumapit ito sa akin at mahinang sinabi kung sino siya at napatakip ako sa bibig ko. "Gusto po ka

