Haelyn's POV* Anim sila na nandidito ngayon at kaharap ko para lumaban at isa isa sila na may mga dalang sandata habang ako naman ay walang dala. Ang sabi nila Grandpa ay puro sila magagaling kaya mag iingat daw ako sa mga atake. May rules sila na masasaktan, masusugatan o mamamatay ka dito sa labanan. So ang ibig sabihin nun ay totoong laban ito kaya maghanda. "Yaaa!" Biglang sumugod ang isang lalaki na may dalang samurai at mukhang galing siya sa grupo ni Grandpa Arthur. Agad kong iniwas iwasan ang dala niyang samurai. Matalim ba yun? "Lumaban ka wag puro iwas." Di ako nakinig at nagulat ako nung biglang na slice ang mesa. Waaa matalim nga! Umiwas ulit ako ng galaw at doon naka kita na ako ng space kaya agad ko iyong sinuntok na kina igik niya. Mukhang malakas lakas iyon na kin

