Haelyn's Point Of View* Nakabusangot ang mukha ko ngayon habang nakaupo sa higaan namin ni Phoenix. Si Phoenix naman ay nasa banyo at gabi na. Boung araw kasi tinuro sa akin nila Grandpa ang mga talents nila at isang linggo na ang nagdaan. Di ko alam ganito pala yun nakakapagod. Ikaw naman kasi isang araw ay tig dadalawang oras ang mga Grandpa ko eh sinong di mapapagod at pakiramdam ko sasabog na ang utak ko dahil sa stress. Bumukas ang pinto at nakita ko ang bagong ligo na si Phoenix at nakita ko na basa pa ang buhok niya at di inayos ang pagpapatuyo nun. "Nex," tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at agad lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko. "Bakit, my Queen?" Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay sa pisngi niya. Ang bango niya. "Talikod ka patutuyuin natin

