Haelyn's Point Of View* Makalipas ang ilang araw ay na discharge na si Tita Kira sa Hospital at makakabalik na siya sa pagiging Empress. Isa lang namang substitute si Mom kay Tita Kira. Marami ng nakakaalam sa last will ng Lola namin na Mom nila Mom ang tungkol sa totoong Empress. Ang sabi sa last will ay magiging Sub si Mom at kung tuluyan ng gagaling si Tita Kira ay siya ulit ang papalit bilang isang Empress ng Yakuza Clan. At si Mom ay mabubuhay ng normal sa gusto nito. Nakadalo kaming lahat sa pagbabalik ni Tita Kira pero ang problema ko ay baka dito na malalaman ni Phoenix na isang Yakuza ang Pamilya ko. "Dad, Mom...." Nagtataka na nakatingin sa akin ang mga magulang ko sa akin. "Anong problema para kang gusto magbawas. Banyo ka muna doon," ani ni Mom. "Hindi sa ganun, Mom."

