Haelyn's Point Of View* Marami na akong dalang mga damit para iregalo sa Baby ni Tita Kira.... napatingin ako sa mitten sa gilid. Ang cute! Kung magkakaanak kaya kami ni Phoenix ay sabay kaming maghahanap ng susuotin ng Baby namin. Ano kaya ang pipiliin ko? Ang cute ng Blue, Red at White. "Just choose the White one." "White? Maganda din yung Blue at Red..." "Alam mo na ba kung Babae o lalaki ang baby?" "Hindi pa naman." "Kunin mo na lang ang tatlo." "Mukhang maganda nga yu---" Teka sino ang kausap ko? Napatingin ako sa lalaking kausap ko at siya yung lalaking nagtatago sa mga gwardya niya kanina. "Bakit ka nandidito?" "Uhmm... sumusunod sayo?" Napataas ang isang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Me? I'm not interested." "But I am." Napakunot ang noo ko at aalis sana na

