Haelyn's Point Of View* Napalunok ako habang nakayuko. Ano ba ang mga ginawa ko kanina sa Emperor? Bakit sa dami dami ng tao ako pa talaga ang nakabangga niya noh? "Greetings, your Majesty the Emperor." Ano ba ang mga ginawa ko sa kanya kanina? Binastos, sinabihan ng bobo, sinamaan ng tingin at wala akong respeto sa kanya. Napakagat ako sa labi ko. Sumasakit na ang leeg ko kakayuko. "Sweetheart?" Napatingin ako kay Phoenix na kanina pa nakatingin sa akin. Nakatayo na siya ng matuwid at tumayo na din ako ng matuwid pero nakayuko pa din. "Mukhang mahiyain ang iyong Fiancee at hindi makatingin sa akin, Cousin." "Ayos lang siya at di lang siya sanay makita ka." "Oh? really? Bakit parang pakiramdam ko mukhang nagkita na kami." Nanindigan ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Yung fe

