Haelyn's Point Of View* Nagising ako at naramdaman ko na may nakayakap sa akin. Nilibot ko ang boung kwarto at nakabalik ako sa kwarto namin ni Phoenix. Hala anong nangyari? Bakit nga ako nakabalik sa kwarto? Tiningnan ko ulit si Phoenix na nakayakap sa akin ay napansin ko din ang bimpo sa noo ko. Inalagaan niya ako? Diba galit siya sa akin? Bakit ngayon yakap yakap niya ako ngayon na parang walang problema? Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at umupo sa kama at naramdaman ko na nagising din siya sa gilid ko at tiningnan niya ako at agad siyang umupo sa kama. "Wag ka munang umupo. Humiga ka muna." Hahawakan niya sana ang kamay ko nang agad ko iyong inilayo sa kanya. Tumayo ako nang maramdaman ko na nahihilo ako at agad niya akong nasalo at pinaupo sa kama. "Sto

