Alexa POV* Nagmamadali kaming dalawa ni Lukas at Luke sa pagtakbo dahil malelate na kami at nakita namin sa di kalayuan si Haelyn na tumatakbo din. Hala late din siya kagaya namin? "Si Haelyn yun diba?" "Hala oo, siya nga," ani ni Lukas nung tinuro ko si Haelyn sa di kalayuan. "Hae--" Nagulat kami nang may dalawang lalaking naka itim sa likod niya at isang iglap bigla itong natumba at nasalo agad ng lalaking nasa likod niya. At mabilis ang pangyayari at loading pa kami hanggang sa magising kami sa katotohanan. "Haelyn!" At nagmamadaling dumiretso sila sa kagubatan ng Paaralan at nung tingnan namin ay wala na sila agad sa paningin namin. "Haelyn!" Pero kahit anong sigaw namin ay hindi na sumasagot si Haelyn dahil nawalan na din ito ng malay dahil sa ginawa ng mga lalaki sa kanya.

