Haelyn's POV* Natigilan ako sa sinabi niya. Mafia King si Phoenix? Natulala akong napaupo sa upuan at napayuko. Kung Mafia King siya ibig sabihin malakas talaga siya at hindi totoo ang lahat ng pinapakita niya sa akin na hindi siya marunong lumaban at nagpapanggap na mahina. Parang kumirot ang puso ko dahil sa nangyayari ngayon. All this time hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Hindi man lang niya sinabi kung sino siya. Naalala ko nung binaril niya yung lalaki sa may puno yung lalaking may hawak na grenade at walang palya niyang tinamaan sa kamay ang lalaki na kinahulog nito sa lupa. At dapat nakita ko na noon na hindi siya takot humawak ng baril at marunong siyang umasentado sa kalaban. At matapang din niyang kinuha ang grenade at tinapon sa swimming pool at naalala ko din nung may uma

