3rd Person's Point Of View* Nakatingin sila ngayon kay Haelyn at iniexamine nila ang mukha nito dahil di talaga sila makapaniwala na ito ay anak ni Akira. Nakatali ito sa isang upuan at may tela sa bibig nito para hindi makapag salita. "Kailan pa magigising ang babaeng ito?" ani ng isang babae na isa sa mga anak ng Matanda. Napakunot ang noo ni Haelyn nang marinig niya ang mga bubuyog sa paligid. Dahan dahan siyang nagmulat at tumingin siya sa mga tao na nasa paligid niya at agad niyang nakita ang matanda at may anim itong kasama at mukhang mga kaanakan at kaapuhan na siguro niya ang mga taong ito. Naramdaman nito na may tali ang kamay at paa nito. "Oh, you're already awake." Di ito nagsalita at nananatili lang tahimik si Haelyn. "Wala ba siyang boses, Lola?" "Hindi siya nagsas

