Haelyn's Point Of View* (Sa mga salita nila dito itatranslate na lang sa tagalog para madaling maintindihan. Marunong na ding magsalita ng Japanese si Haelyn dahil tinuruan siya ni Phoenix.) Tinutukan ako ng baril sa ulo ni Tita Himari at napasinghap ang lahat ng nakatingin sa amin. Wala akong emosyon na tumingin sa kanila. Hindi man lang ako natakot sa baril! Dapat matakot ako sa baril. Nakatutok na sa ulo ko oh. Nakita ko na nag aalala ang mukha ni Mom habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko siya at nag usap kami sa mga mata na kaya ko na ang mga ito. "Anong ginagawa ninyo!" reklamo na ng ibang tao sa paligid. Nagkagulo na ang lahat lalo na't may papatayin ang babaeng ito. "Sino ang babaeng hawak ninyo? Bakit niyo yan tinutukan ng baril?" "Anong ginagawa nila? Nababaliw na talaga

