Haelyn's Point Of View* Nakaharap na ako ngayon sa maraming tao at i-aanounce na nila ako pag korona sa akin bilang bagong Reyna sa Mafia World. Pinatigil ni Phoenix ang ritual na susugod sa akin once na kokoronahan ako. Pinahinto na niya ang bagay na yun dahil napakachildish daw di na lang ginalang ang koronasyon. Kaya koronasyon na talaga ito at wala ng labanan pero di muna ako aakyat doon. "Pumunta ka dito sa harapan para tanggapin ang trono bilang bagong Empress," ani ni Grandpa Henry. Pero di ako gumalaw sa kinatatayuan ko na kinataka ng mga tao dito sa loob ng Underworld. "Anong problema, Lady Haelyn." Nagtataka na silang nakatingin sa mukha ko na walang emosyon. Pinatunog ko ang leeg ko dahil mukhang ngayon na sila gagalaw dahil ayaw nilang may uupo sa Empress sit. Sino nam

