Haelyn's Point Of View* Nakasandal ako kay Phoenix habang natutulog at naramdaman ko na ginigising niya ako. Pero antok na antok pa ako kaya nakapikit pa din ako. "My Queen, wake up." Tiningnan ko siya at bumalik ulit ang tulog ko kasi hindi pa kami lumalapag at nasa langit pa kami. Hindi ako tatalon noh kung sasabihin niya na nandito na kami. Kaya matutulog ulit ako kahit hindi ko na alam kung anong oras na. "Honey." Di pa din ako nagmulat. Anong trip ng isang ito? Biruin mo ang lasing pero wag lang sa natutulog pa. "Darling?" "Cupcake?" Anong trip ng isang ito? "Sweetheart." Napamulat ako. Gusto ko ang tawag na yun. "Bakit, Sweetheart? Kanina ka pa tawag ng tawag. Natutulog ang tao eh." Nakita ko na mahina naman siyang natawa sa akin. At hinalikan ako sa noo na kinapikit ko

