Haelyn Point Of View* Dahan dahan na nga niyang hinubad ang sunglasses niya at mask at nanlalaki ang mga mata namin ng makita kung sino ang kahawak kamay ni Dad. Teka ang mukha niya at ang mukha ko ay magkaparehas. Teka siya na ba ang Mama ko? Parang nakaharap ko ang future self ko. "Wait a minute... M-Mama?" nauutal na tawag ko sa kanya at nakita ko naman na umiiyak ito habang nakatingin sa amin at naramdaman ko na kumirot ang puso ko dahil sa nakita ngayon. At ngayon nakikita ko na di siya makapaniwala na tinawag ko siyang Mama. "Yes, I'm your biological Mother, Haelyn." "Hindi po kayo patay?" "I'm not dead." "Eh sino yung katawan na nasa sementeryo?" Napayuko siya sa tanong ko. "Walang laman ang kabaong na pinasok doon." Nanghihina ang tuhod ko at mabilis naman akong nasalo

