"C-ced..uhmmn," napaungol ako nang paghahalikan ako ni Cedric sa labi dito pa rin sa hallway patungo sa restroom. "I'm so sorry, baby. Did i scare you?" tanong niya at nababanaag ko sa kaniyang mga mata ang pangamba at pag-aalala. Muli akong naluha pero pinilit kong ngumiti upang hindi na siya mag-alala pa. "O-okay lang ako," nakangiti kong sagot sa kaniya habang hawak ko ang magkabila niyang pisngi. "Maezie?" Sabay kaming napalingon ni Cedric sa kanan nang marinig namin ang pagtawag ni Selenah. "Selenah." Bumitaw ako kay Cedric at sinalubong ko ng yakap ang kaibigan kong ilang taon kong hindi nakita. Sa kaniyang likuran ay si Skipper na nakipag-fistbump kay Cedric. "Thanks," dinig kong sabi ni Cedric na tinanguan naman ni Skipper. "What really happened?" tanong naman ni Skipper