"Maezie!!" Isang pamilyar na tinig ng babae ang biglang umalingawngaw sa kabuuan ng restroom. Nahawakan na ako ng mahigpit ni Cedric sa magkabila kong braso at naramdaman ko na ang bahagyang pagsayad ng kanyang mga ngipin sa aking leeg nang bigla siyang mawala sa aking harapan. Natulala ako nang biglang humagis si Cedric sa matigas na sahig at may isang pamilyar na lalaking kumubabaw sa likuran nito at pilit pinusasan ang dalawa nitong kamay sa likuran. "Are you okay, ha?! Did he hurt you?! What?! Tell me!" tarantang tanong sa akin ni Selenah habang ilang beses niyang sinusuri ang aking leeg at maging ang magkabila kong braso. "S-selenah." Unexpectedly, Selenah, my former bestfriend was in front of me right now and rescued me from Cedric who was outraged and howled like a wild anima