3-0 ang naging matapos ang dalawang sunod na pagpuntos ni Ricky laban sa defender niyang si Tristan. Tila yata hindi ito ang masayang Mendez na basketbolista, pero magaling pa rin naman ito kahit na may gigil ang laro nito. Sa pagbalik nga ng bola sa kalaban ay si Mover na ang kumuha nito upang maging maayos na ang kanilang laro. Pagkasambot niya sa bola ay kaagad na dumipensa si Baron dito. Mula naman sa loob ay makikitang pinopostehan ni Tristan si Mendez na mukhang wala nang laban sa pwestuhan. Isang pataas na pasa nga ang ginawa ni Mover sa kakampi at nang masambot ito ni Tristan ay isang post move ang ginawa niya sa maliit niyang defender. “Hindi mo ako kaya Mendez sa ganitong pwestuhan,” sambit ni Tristan at si Ricky ay seryosong nilabanan ang lakas na mayroon ang kanyang binabantay