9-8 ang score sa labanang nagaganap sa court sa bahay ni Tristan Agoncillo at matapos ang ginawang play ni Mendez ay tila may malaking mensahe ito para sa kanilang kalaban. Sina Mover at Von nga ay nagkatinginan na lamang matapos ang ginawang iyon ni Ricky. Ibang lebel na iyon kumpara sa nakita nila rito dati. Parang hindi na ito pwedeng maliitin na lamang. Ang galawan nito at ang mga diskarte ay pambihira na at parang kahit sino ay kaya na nitong ilampaso. “I don’t know what happened to you Ricky Mendez, but I like how you played the game today,” sabi ni Mover sa sarili at napatingin siya kay Tristan na nakakuyom ang kamao at halatang naiinis sa ginawa ni Mendez dito. Naisipan nga niya itong lapitan at tapikin sa balikan. “Relax, what if we make a deal Tristan?” nakangiting winika ni Mo