ANG PAGDATING ni Macky Romero sa bench ng CISA ay ang nagbigay ngiti sa bawat isang kasamahan niya noong nakaraang taon sa team. Si Coach Erik nga ay masayang makita muli ang binata na sa pagkakaalam niya ay nagta-trabaho na sa Laguna sa isang maayos na kompanya. Hindi nga lang niya alam kung nakakapaglaro pa ito ng basketball doon, pero sa tingin niya ay oo pa rin dahil isa itong basketbolista. Napasulyap nga si Macky sa bench ng DWCC at naalala niya ang mga larong kalaban niya ang mga ito. Madalas silang talo sa mga ito at ang panalo lang nila sa mga ito ay nitong nakaraang taon kung saan ay nagpatalo ang mga ito sa kanila. Hindi na nga umupo si Macky at napatingin siya kay Alfante na kasalukuyang iniismidan siya. Wala naman siyang pakialam dito kaya hindi na lang niya ito pinans