SINIMULAN ni Ricky ang second game nila kontra CU sa pamamagitan ng isang steal mula kay Ibañez na sinundan pa ng isang highlight play na lay-up. Ang mga supporters nga nila ay hindi maiwasang mamangha sa kanilang napanood. Mula sa kabilang kamay, papunta sa isa ang naging lay-up ni Ricky at tila napakahirap gawin niyon, pero nagawa ito ni Mendez na sadya namang bibihira nilang makita. Isang nakangiti at na biglang sumeryosong Mendez ang agad na bumaba sa side ng CU para sa pagdepensa. Ang mga kakampi nga niya ay nagsipaghandaan na rin. Dito nga makikita ang malakas na dating ng mga ito at pagkasambot ni Mendoza sa bola ay agad naman itong hiningi ni Karlo upang siya ang magbaba nito patungo sa kanilang basket. “CU! CU! CU!” “CISA! CISA! CISA!” Ito ang mga salitang umaalingawngaw sa lo