NAGBAGO ang ihip ng hangin sa laro ng CISA at CU nang makita ng maraming manonood kung gaano kalalim ang bench players ng Flamers. Sa natitira ngang apat na minuto ay naibaba na ng CISA ang kalamangan ng defending champion sa tatlo. Nangibabaw rin sa Calapan Coliseum ang cheer para sa mga ito na mas lalong nagbigay ng pag-asa sa maraming supporters nila na matalo ang CU Ballers. Habol-hiningang umupo si Ricky sa bench at ramdam niya ang pagod sa ilang minutong inilaro niya. Pero magkaganoon man ay masaya siya sa resulta ng kanyang pagpasok sa loob ng court kanina. Pagdating nga ni Larry sa bench nila ay agad itong sinalubong nina Troy at Benjo. “Ano? Okay ka na? Hyper ka na?” tanong ni Benjo na inakbayan kaagad si Larry na pinasimplehan pa niya ng himas sa baba nito. Si Larry n