HUMIGA na kaagad sa kama si Ricky pagdating niya sa kanilang bahay. Pakiramdam niya kasi ay kailangan niyang matulog nang mahaba at parang sumakit yata ang kanyang katawan, hindi dahil sa laro nila sa DWCC kundi dahil sa laban niya sa kuya nina Trey. Napatingin na lang siya sa itaas at napakamot sa ulo. “Paano ko ito sasabihin kina Coach?” “Dumali ka na naman ng padalos-dalos… Ang lakas palang maglaro noon.” May pasok pa bukas, pero pwede naman daw hindi siya pumasok dahil varsity player siya ng campus. Kung sakali mang masakit ang katawan niya bukas ay hindi raw muna siya papasok. Sa kakaisip nga niya tungkol sa nangyari ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Ginising na lang nga si Ricky ng kanyang nanay ng mga alas-otso ng gabi para kumain ng hapunan. Mabilis siyang bumang