SANDALI munang kumuha ng mga pictures si Ricky pagdating nila sa Camp Wagi, isa nga itong hidden place sa Calapan noong hindi pa ito gaanong napupuntahan ng marami. Para rin ngang umakyat ng bundok ang sasakyan ni Andrei dahil pataas ang kalsada papunta rito. Habang nasa byahe nga ay nakita nina Ricky ang kalawakan ng kanilang siyudad. Pagdating nila rito ay doon na niya nakita ang lugar na ito na tila ba nasa isang kagubatan. May mga kubo sa bawat lugar at nakita niyang marami ring bikers ang narito. May mga estudyante rin ang kasalukuyang narito nang oras na iyon. Dumiretso na nga sila sa isang mala-tindahang bahay at doon ay may nakalagay na menu. May freezer din dito na may lamang mga alak at softdrinks. May ilang mga tao na rin sa ilang kubo roon at nang makakita sina Roland ng isang