31-29 ang naging score at matapos maipasok ni Ignacio ang bonus shot ay biglang ipinasok ng DWCC ang kambal na Agoncillo kapalit nina Beron at Silva. Doon na nga lalong naging maingay ang supporters nila at si Coach Erik ay napaseryoso naman dahil doon. Napatingin nga siya sandali sa kanyang mga players. Iniisip niya kung ipapasok na niya ang mga ito o hindi lalo pa’t naniguro ang kalaban na mabawi ang momentum mula sa kanila. Si Jun Salvador ang ipinalit niya sa loob at nakasalalay ngayon ang opensa kay Romeo Baltazar. Si Troy Martinez naman ay maasahan sa outside shooting kaso, dapat ay makahanap ito ng magandang pwesto para magawa iyon. Itinawid nga ni Romeo ang bola at mahigpit ang naging pagbabantay sa kanya ni Ignacio. “Baltazar, ang MVP last season ng Highschool League n