ISANG seryosong tingin ang ibinigay ni Mendez kay Tristan paglapag niya. Nakapuntos nga siya ng unang 2 points sa labang ito. Medyo alanganin man siya sa tirang iyon ay nagawa pa rin naman niya. Hindi kasi niya maiwasang makaramdam ng pagsablay sapagkat akala niya ay magagawang i-block ng kalaban niya ang jumpshot na kanyang ginawa. “Tss…” sambit naman ni Tristan at ang bola ay ipinasa sa kanya ni Trey na siyang dumampot ng bola sa dulo. Sinambot ito ni Tristan at ipinasa muna kay Ricky. Nakaharap na siya ngayon sa basket at si Mendez ay nakahanda naman na sa pagdepensa. Nang ipasa na nga pabalik sa kanya ang bola ay isang mabilis na hakbang patungo sa basket ang agad niyang ginawa. Ngumisi si Tristan at ang depensang ibibigay ni Mendez ay nabuwag kaagad ng lakas ng kanyang pagtakbo. Na