NANG pagbuksan sina Ricky at Baron ng gate nina Trey ay kaagad na sumilay sa labi ni Mendez ang ngiti. Pinagmasdan din niya ang lalaking nasa likuran ng kambal na nakikita niyang walang pang-itaas at pawisan. Kung pagmamasdan ang tatlo ay mukhang galing ang mga ito sa paglalaro ng basketball. Ito nga kaagad ang napansin ni Ricky sa pagkakita niya sa mga ito. Napansin na nga rin niya ang pagtataka nina Trey at Troy kung bakit siya narito at inaasahan na rin ito ni Mendez. Nang tanungin nga siya ng dalawa kung bakit narito ay isang bagay lang ang naisip niya. Basketball! “Siya ba ang kuya ninyo?” tanong pa ni Ricky na seryosong pinagmasdan si Tristan. Base sa obserbasyon niya ay parang may datingan ito na isang barumbado at malakas sa pagba-basketball. Pasimpleng napatingin ang kambal sa