Ika-isandaan at Labingpitong Basket

1493 Words

KAKAMOT-KAMOT sa ulo si Ricky nang lingunin siya ng babaeng hinabol niya. Masyado raw niya yatang iniisip ang kanyang ex na wala na naman dito sa Calapan. Pagharap nga sa kanya ng dalaga ay napaatras siya at napalayo. Hindi ito si Andrea at malayong-malayong dito ang dalaga. “B-bakit po?” tanong ng dalaga at naka-ilang sorry naman si Ricky na ngiting-ngiti na parang sira habang lumalayo rito. “S-sorry Miss… Akala ko ikaw iyong kakilala ko,” sabi ni Ricky at pagkatapos noon ay nagmadali na siyang naglakad papunta sa terminal sa may palengke para umuwi. Umuwi na nga si Ricky sa bahay nila at inalis niya sa isip niya ang taong wala na. Hindi niya alam kung bakit naalala niya ito, pero kailangan niyang maghanda sa kanilang Finals sa Sunday kaya nga kinabukasan ay pagtakbo ang ginawa niya no

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD