NAKITA ni Ricky ang pag-iyak ni Mika sa tabi niya matapos ang pangyayaring iyon kanina. Heto ngayon siya at inihahatid ang dalaga papunta sa tinutuluyan nito. Dumating sila sa tapat ng isang hindi kalakihang bahay at nakita niya sa terrace ng lugar na iyon ang dalawang maliit na batang naglalaro kasama ng kanilang lola. “Sa likuran ng bahay na iyan ako nakatira. Kaibigan ni mama ang may-ari niyan.” Ngumiti naman si Ricky at nagkatinginan silang dalawa. “Baka gusto mong tumuloy muna? Gusto ko lang mag-thank you sa iyo,” sabi pa ni Mika. “Ipagluluto kita? I can cook simula nang mag-isa na lang ako.” Ngumiti na lamang muli si Ricky at sinabi sa dalaga na dapat na siyang umuwi dahil gusto na niyang magpahinga. Tila nakaramdam ng disappointment ang dalaga pero, ayos lang iyon. Masaya na ri