SA PAGPASOK ni Mendez sa loob ng court ay siya ring pag-ingay ng crowd na sumusuporta sa team nila lalo na nga sa kanya. Nasa likuran niya rin sina Rommel, Kier, Kim at Rodel na makikitang may saya sa mga mata sapagkat nakikita na nila si Ricky na kasama na muli nila sa court. Samantala, mula naman sa bench ng CU ay makikitang napangiti si Karlo at Gregor nang nasa loob na muli ang kalaban nilang may numero tres sa likod ng jersey. Sabay silang tumayo at nagbanat ng mga bisig. Isang maliit na ngiti rin ang sumilay sa labi nila at sa likuran nila ay naroon na sina Mendoza, Uy, at McHenry na game ready na muling maglaro para sa natitirang limang minuto ng quarter. Ang cheer naman sa loob ng venue ay dumagundong at kahit na namamayagpag ang para sa CU ay hindi na rin naman nagpatalo ang mga