NAKITA ni Ibañez ang pagiging malaking bagay na magkaroon ng isang Rommel Alfante sa CISA. Kilala niya na magaling na passer ito, at kahit pa madepensahan nila ito nang mabuti ay makakapasa pa rin ito dahil ito ang galing na mayroon ang dati niyang teamate. Napapaligiran din ito ng mga outside shooters kagaya ni Cunanan, ni Mendez at maging ni Viray na sadyang delikado para sa kanila kung maiiwanan ito. Ang pag-double team at switching ng mga bantay ay malaking bagay rin para sa kalaban nila. Isa pa, ang pagbibigay ng screen sa mga ito ay nagbibigay rin ng tsansa sa mga ito na makapuntos. Isang matinding depensa lang talaga ang kailangang magawa nila at sa galaw na mayroon ang CISA ay mahirap ito sapagkat hindi sila kagaya ng ibang team na humihinto lamang upang mag-abang ng pasa mula sa