NAGPUMILIT si Karlo na makapaglaro muli sa simula ng fourth quarter, kaso, hindi na umubra ang kagustuhan niya kay Coach Wesley sa pagkakataong iyon. Alam ng kanilang coach na malaking factor pa rin si Karlo upang talunin nila ang CISA at kailangan lang nitong magpahinga para mabawi ang lakas na nawala rito sa walang tigil na paglalaro sa naunang tatlong quarter. Bilang isang ace player ay napakalaking bagay sa team niya na nakagawa ito ng 30 points sa 30 minutes na nilaro nito, kaso, tao lang din ito na kailangang magpahinga. “Kalma lang boss…” sambit nga ni Ken Mendoza na katabi si Ibañez nang sandaling iyon. “Hindi pa tapos ang game… Hindi tayo matatalo. Sisiguruhin ko iyon sa iyo Idol!” Tumayo nga si Ken matapos iyon. Napatingin din siya sa bench ng CISA at napangisi siya nang makita