NARIRINIG ni Romeo ang mga tawa mula sa mga manonood na nakapanood ng huli nilang laban sa OMNHS para sa regular season ng secondary league. Ang mga kasamahan nga niya ay kumakamot na lamang sa ulo habang naglalakad palabas ng Alfonso Umali Gymnasium ng nasabing paaralan. Napatingin na nga lamang siya sa huling score at napailing na lang siyang pagmasdan iyon, kumbaga, masakit sa mata. “110-52.” Parang mga elementary ang naging laro nila laban sa defending champion na school. Napakuyom na nga lang siya ng kamao at sa paglabas niya ay kanyang nakita ang mabilis na pagtakbo ng mga kakampi niya para raw mamasyal sa bayan. Natapos na ang secondary league at hindi sila nakapasok sa Final 4. Unang taon niya ito sa Canubing High School, at sa kanyang naging laro sa buong regular games ay naramd