83-81 ang score sa huling quarter sa game 2 ng CISA at CU. Lamang ang Flamers at ipinasok na nga ni Coach Wesley si Karlo Ibañez. Makikita nga sa mga mata ni Karlo na game na uli siya. Nabawi na niya ang kanyang lakas at salamat sa pahinga na ibinigay sa kanya ni Coach. Dalawa lang din ang lamang ng CISA at kayang-kaya nila itong habulin. Nilapitan niya ang kanyang mga kakampi at pinagtatapik sa pwet ang mga ito. “Nandito na ako. Game na!” “Gregor, ibigay mo na lahat ng galing na mayroon ka! We will win this game!” bulalas ni Karlo at sa pagbalik ng bola sa kanila ay pinalakas na nga muli niya ang kompyansa ng kanyang team. Seryoso namang pinagmasdan ni Ricky ang kabilang koponan at habang naghihintay sila sa side ng Ballers ay sinabihan muna niya ang kanyang mga kasama na maghanda. “H