SA CU Ballers ang bola matapos ang charging foul na nangyari sa dunk ni Larry Dizon. Ang mga nag-cheer na supporters ng Flamers ay hindi pa rin tumigil kahit na iyon ang kinahinatnan ng play na iyon. Nakita kasi nila ang ngiti sa labi ni Dizon nang gawin ang highlight na iyon at pakiramdam nila ay buong-puso itong naglalaro ng basketball nang sandaling iyon. Ito ang naging dahilan kaya isinigaw nila ang pangalan ng binata sa pagpunta nito sa kanilang bench. Si Ricky ay napangiti na lamang sa nangyayari, pero hindi pa sila panalo sa larong ito dahil lima pa ang lamang ng kalaban. Inihanda nga niya ang kanyang sarili sa pagdating ni Ibañez na mabilis siyang sinandalan. Hiningi rin nito ang bola mula kay Mendoza at dito ay nag-cheer ang kanilang supporters nang makita na naman ang kanilang m