MABILIS na kumalat sa buong Calapan City ang nangyaring pagkatalo ng CU Ballers sa kamay ng underdog na CISA Flamers. Tila nga nakalimutan ng maraming nanonood na tinalo rin ng DWCC ang SW sa unang game ng kabilang bracket dahil dito. Maging sa social media ay ito ang topic lalo na sa mga school pages. May ilan din nga sa twitter na nag-post tungkol sa nangyari at marami pa rin nga ang hindi makapaniwala na matatalo ang defending champion sa larong iyon. Kinahapunan ay nasa loob na ng kwarto ng kanilang bahay si Ricky. Nakahiga siya habang may basang towel na nakalagay sa noo. Nakakumot din siya at gising siya nang oras na iyon habang nakatulala sa itaas. Nanalo nga sila kanina at maging siya ay hindi pa rin makapaniwala. Kung hindi lang daw sana siya nilagnat kanina ay siguradong makakas