TUMAWAG saglit ng time-out ang CISA para pigilan ang momentum ng CU. Nag-iisip pa nga si Erik kung papalabasin na niya muna si Mendez dahil ngayon lang yata niya nakitang ganito ang pawis sa katawan nito at pagod na pagod ito. Inisip nga niyang epekto lang marahil ito ng laro at ng depensa ng kalaban mula kanina kay Jimenez, at ngayon ay kay Montemayor. “Kaya mo pa ba Ricky?” tanong ni Erik dito at si Mendez ay napangiti matapos uminom ng tubig. “Kaya ko pa coach!” wika ng binata at napalunok pa ito ng laway. Agad siyang tumayo at nilakasan ang loob na maglaro muli. Hindi siya pwedeng magpahinga lalo’t nakikita niyang nagpapakitang-gilas na si Montemayor. Aaminin niya, ang lakas nga talaga nito at ngayon lang niya ito nakitang ganitong maglaro. Hindi kasi ganito ang laro nito sa mg