NANOOD ng movie sina Sally at Ricky para palipasin ang oras. Ang binata nga ay kumain na lang muna ng tinapay bilang agahan dahil tanghali na rin naman daw mamaya. Makikita nga sa dalawa na pareho silang masaya na parang kagaya lang noong mga bata pa sila. Habang nakatingin sila sa TV ay may pailan-ilang kulitan at harutan na makikita sa mga ito. Dahil nga masaya si Sally ay panay ang sundot niya sa tagiliran ni Ricky at ang binata naman ay napapaigtad na lang na sa huli ay binabawian ito. Sa pagpatak ng alas-onse ng umaga ay eksaktong natapos ang pinapanood nilang Disney Movie. Matapos nga iyon ay kaagad na tumayo si Ricky papunta sa kusina. Sinundan naman siya ng dalaga na tila humihimig pa dahil sa tuwa. “Ano’ng gusto mong iluto ko sa ‘yo?” tanong ni Ricky na tumingin sa lalagya