ARAW ng Linggo ang opening day ng Final 4 ceremony ng CBL at makikita pa lamang sa labas ng Calapan Coliseum ang dami ng mga nakaparadang sasakyan dito. Mayroong mga private vehicles, jeeps, tricycles at marami ring mga motor na makikita sa parking area ng lugar. Mula naman nga sa labas, sa may kalsada ay panay rin ang baba ng mga taong manonood ng game na mangyayari ngayong araw. Walang ipinagbago ang pangyayaring ito taon-taon na sadya namang pinupuntahan ng maraming basketball fans ang venue na ito para panoorin ang salpukan ng huling apat na collegiate schools ng Calapan na itinanghal na pinakamagaling sa sampung mga naglaban. Maraming grupo ng mga nakaitim at pula ang pumasok sa loob at dala nila ang malalaking bandera na may simbolo ng apoy. Kasama rin nga nila ang kanilang banda na