MATAPOS ang speech mula sa mayor ng Calapan ay doon na nga unti-unting kinalampag ng mga manonood ang buong venue sa pamamagitan ng malakas na cheer at mga paingay gamit ang mga dala nilang mga instrumento. Mula naman nga sa mga nasa bahay na hindi nakapunta ay naroon din sila at nakatutok sa kanilang telebisyon kung saan ay mapapanood ng live ang magiging unang dalawang laro ng apat na teams. Sa semis na ito ay kinakailangan na maka-secure ng unang dalawang panalo ang isang team upang umusad sila sa Finals. Sa kasalukuyang posisyon ngayon ng CISA ay tila imposible silang maka-isa sa CU dahil sa nakalipas na mga taon ay ni minsan ay hindi pa muling natatalo ang defending champion sa CBL na isang napakagandang history na nagawa nila sa liga. Ito ang naglagay sa kanila sa pagiging pinaka