PAGKALAPAG ni Mendez ay siya namang pagngisi ni Montemayor dito nang magtagpo ang kanilang mga mata. Sa CU na ang possession ng bola at si Mendoza ang nagdala nito na kasalukuyan namang binabantayan ni Alfante. Makikita sa mga mata ng CU’s PG ang pagmamalaki na siya na ngayon ang starting player ng team at hindi na ang dati niyang kakamping si Rommel. Naalala niya bigla nang unang taon niya sa team at halos maliitin siya nito rito. Kaya ngayong muli silang nagkaharap ay nais niyang ipakita ritong mas magaling siya. Isang biglaang pag-abante ang ginawa ni Mendoza at si Rommel ay mabilis na hinabol ito, kaso, ang screen ni McHenry ang binanggaan nito. Napilitan tuloy si Zalameda na depensahan ang ball handler ng CU. Nagkapalitan sila ng bantay at makikita ang mabilis na pagkilos ng Balle