NAPATAWAG si Coach Wesley ng time-out matapos na makitang hindi makatayo si Montemayor mula sa pagkakatumba nito na dulot ng crossover ni Ricky Mendez. “Can you walk?” tanong ni Karlo kay Montemayor na kasalukuyang nakahawak sa kanyang isang paa nang sandaling iyon. Nang tumingin nga si Gregor sa kanilang team captain ay makikitang ngumisi pa ito. “I can walk, just a slip I think. f**k Mendez!” sambit nga ni Montemayor na inalalayan ni Karlo at ni McHenry upang makatayo. “Then, you should play against him seriously. If you continue your cockiness attitude inside the court… In the end, ikaw pa rin ang matatalo sa kanya. Just give some rest for your foot and calm yourself before entering again in the game if you can still play.” “Remember Gregor… CU never loses in my years in