SA PAGDATING ni Mendez sa side nila ay siya ring pag-ingay ng crowd dahil ang dedepensa sa kanya ay wala ngang iba kundi si Ibañez. Nagsimula na ngang kumalampag ang mga supporters ng Ballers at dito ay nagkatinginan pa ang dalawang manlalaro na sinundan ng isang biglaang pagtakbo ni Mendez papasok sa arko ng tres. Ginamit niya ang kanyang bilis at ang kanang kamay niya para patalbugin ang bola dahil si Karlo ay nasa kaliwa niya kung saan ay siya ay ginigitgit ng depensa nito. Mabilis siyang huminto at sal-itang dribbling sa pagitan sa nakabukas niyang mga hita ang isinunod niya. Si Ricky ay mabilis na nakita ang biglaang pagbibigay ni Karlo ng espasyo mula sa kanya. Napangisi si Ibañez at nakita niyang tumalon palayo si Mendez para bumitaw ng isang jumpshot. Ang mga paa ni Kar