“WALA ka na bang nakalimutan, hon?” tanong pa ni Sergio kay Maryey. Paalis na sila nang mga sandaling iyon sa suite nila. Papunta sila sa UHB Theater na nasa katabi lang din ng Club House ng UHB Leisure Club. Doon gaganapin ang event para sa linggong iyon. Umiling si Maryey. “Wala na.” Tubig lang naman ang importante niyang dadalhin at ang suot niyang jacket. “Then, let’s go,” ani Sergio na iginiya na siya palabas sa suite nila. Clueless pa rin siya kung ano ba ang mayroon sa gabing iyon. Iyon kasi ang event na hindi sinasadyang nabanggit ni Yuan Gabriel Diaz noong nasa Bilaran Sand Bar sila. Nang makarating sa UHB Theater ay natuwa pa siya nang makita rin doon sina Zafrina. “Bakit hindi mo kasama ang asawa mo?” pansin pa niya sa pagkawala ni Sovereign si tabi nito. Si Rain at Zafire