Chapter 78

2269 Words

NANG makarating sa suite sina Maryey at Sergio ay ang glass window agad sa kanilang silid ang hinayon ni Maryey. Iwinahi niya ang makapal na kurtina. Pagkuwan ay matamang pinagmasdan ang ulan sa labas ng bintana. Saka lang siya napabuntong-hininga nang makita ang buong paligid. Tama nga si Yahir, gloomy sa pakiramdam ang patay na kulay ng paligid dahil sa malakas na ulan. “Hindi ka pa rin pala tapos sa pagtitig sa ulan. Hon, puwede mo rin akong titigan,” ani Sergio na naglalambing na niyakap siya mula sa kanyang likuran. Napangiti si Maryey. “Akala ko ba inaantok ka? Bakit hindi ka pa matulog?” “Gusto kitang katabi.” “Susunod ako,” sa halip ay sabi niya. “Kailan?” “Kapag alas sais na ng gabi.” “You’re so mean,” ani Sergio na kumalas na mula sa pagkakayakap sa kanya at hinayon na an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD