Chapter 77

1359 Words

“PARA sa akin ‘to?” nakangiti pang tanong ni Maryey kay Sergio nang bigyan siya nito ng isang stem ng red rose. “Hmmm.” Napangiti siyang lalo nang samyuhin pa niya iyon. Katatapos lang nilang kumain ng tanghalian sa Savanna’s Side. “Saan mo naman ito nakuha?” “Ah,” anito na napakamot pa sa batok. “Nakita kong may dalang bouquet si Mary kaya humingi ako ng isa. Sabi ko nga tatlo na, ayaw naman niya.” Natawa siya sa sinabi nito. Fiancee ni Ferdz ang tinutukoy nitong Mary. “Hon, baka isipin ni Mary, naghihirap ka na, hindi mo na ako mabilhan ng bulaklak kaya nanghihingi ka na lang ngayon.” Napangiti rin si Sergio habang nakatitig sa kanya. “Lugaw nga, nagawa kong bayaran ng isang milyon. Kahit isang truck pa ng pulang rosas, kaya kitang ibili.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Kailan kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD