NAGMULAT ng mga mata si Maryey nang maramdaman niya ang isang kamay ni Sergio sa may dibdib niya. Nakatagilid siya ng higa sa bandang kaliwa niya, patalikod kay Sergio. Kapag kasi buntis ang isang babae ay advisable na tumagilid sa kaliwang parte ng katawan kaysa sa kanan. “Hon,” he even whispered. “Hmmm?” “Ang laki na.” Bahagyang nangunot ang noo ni Maryey. “Alin ang malaki na?” “This,” anito na pinisil-pisil pa ang dibdib niya. Natatawang pinalo niya ang kamay nito na nasa dibdib niya. “Paanong hindi lalaki ‘yan? May gatas na ‘yang laman.” “I know.” “Bakit? Mga ganito kalaki siguro ang hilig mo sa mga naging babae mo dati ‘no?” “Kinda.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang bahagya niya itong lingunin. Hindi naman kasi as in malaki ang hinaharap niya kung normal size iyon. Ta