“WHAT’S with the face, hon?” ani Sergio na hinalikan pa sa labi si Maryey bago ito naupo sa tabi niya. Nasa salas siya nang mga sandaling iyon. Bumuntong-hininga siya. “Iniisip ko lang si Ate Nati.” Napangiti si Sergio. “Hon, matanda na rin ang Ate Nati mo. Hindi na siya bata, alam na niya kung ano ang tama sa mali.” Kakaalis lang kasi nito kasama si Ynho at Yahir. Talagang tinotoo ni Yahir Martini ang pagiging tour guide sa kanyang kapatid. “Pero kasi, hon, si Yahir ‘yong kasama ni Ate.” “Pinag-usapan na natin ito kanina. Give him a chance. Swerte niya kung papatulan siya ng kapatid mo. At malas niya kung ma-busted siya. Hon, wala pang twenty-four hours. Relax.” “Samahan mo ako,” mayamaya ay pakiusap niya. “Saan?” “Sa fish pond.” Napatawa si Sergio. “No. Hindi natin sila susundan