Chapter 50

1820 Words

DAIG PA ni Maryey ang nabunutan ng tinik nang ibalita ng kanyang ama na nagkamalay na si Sergio makalipas ang dalawang araw. Nakatakda na rin daw ilipat ang binata sa pribadong silid. Kaya buhat sa NIM Coffeehouse ay nagpaalam muna siya sa mga kaibigan na pupuntahan lang si Sergio sa ospital. Ngunit nang makarating naman siya sa SMC ay halos hindi niya maihakbang ang mga paa palapit sa pribadong silid ni Sergio. Napalunok siya. Bigla siyang kinabahan. Pero sa kabila ng kabang iyon ay sobrang nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nagising na si Sergio. Masaya siya sa balitang iyon. Dahil nanatili lang siyang nakatayo isang dipa ang layo mula sa silid ni Sergio kaya ganoon na lamang ang pagtataka ni Wayne nang makita siya roon nang lumabas ito sa silid ni Sergio. “Bakit hindi ka pumasok sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD